-- Advertisements --
Bilang pagtalima sa Republic Act 11036 o Mental Health Law, binuksan ngayon ng Department of Health (DOH) sa publiko ang kanilang hotline para sa may mga mental health problems.
Kasama na rito ang mga taong may suicidal tendency.
Sa naturang batas, inatasan ang DOH na magkaroon ng 24-hour hotline na magbibigay tulong sa mga tao na mayroong mental health problems at sa mga tao maaaring mag-suicide.
Ang mga numero na puwedeng tawagan ay ang 09178998727 and 989-8727 ng national center for mental health crisis hotline.