Nakitaan daw ng positibong epekto ang anti-Ebola drug na remdesivir sa COVID-19 patients na naka-enroll sa solidarity trial ng World Health Organization (WHO).
Ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire, napaikli raw ng nasabing gamot ang panahon ng pananatili sa critical care facilities ng ilang ginamitang pasyente.
Pero abiso ng opisyal, masyado pang maaga para sabihing epektibo na talaga laban sa virus ng COVID-19 ang remdesivir.
“Mayroon namang positive na feedback, hindi naman kumpleto pa ‘yan pero sinasabi nila nale-lessen ‘yung time na naka-admit sa critical care ang isang pasyente,” ani Vergeire.
“Pero hindi yan conclusive. Kailangan pa natin tapusin para masabi na taagang ‘yun talaga ‘yung resulta for everybody,” dagdag ng opisyal.
Batay sa datos ng DOH, may 450 COVID-19 patients na sa bansa ang enrolled sa WHO solidarity trial.