-- Advertisements --

Tiniyak ni Health Sec. Francisco Duque na hindi mapapabayaan ang mahigit 200 biktima ng food poisoning sa birthday celebration ni dating first lady Imelda Marcos sa Pasig City.

Binigyan diin ni Duque na “fully equipped” ang mga government hospitals para sa kaso ng food poisoning kaya wala raw silang problema sa mga supplies na kinakailangan sa sitwasyon na ito, gayundin sa mga gamot at dehydrating fluid.

Nabatid na hanggang kahapon, nasa 261 kaqttao ang isinugod sa iba’t ibang hospitals sa Metro Manila dahil sa naranasang abdominal pains, pagsusuka, at diarrhea matapos na kainin ang packed chicken adobo, itlog, at kanin na ipinamahagi sa event kahapon ng umaga.

Samantala, sinabi ni Duque na hangga’t hydrated ang mga biktima, kampante raw siya na magiging mabuti kalaunan ang kalagayan ng mga ito.

Subalit sa kabla nito, iginiit ng kalihim na kanilang tututukan ang naturang usapin kasabay nang paghimok sa iba pang nakakaranas ng sintomas ng food poisoning na magtungo sa pinakamalapit na ospital, lalo pa aniya at 2,500 na food packs ang ipinamahagi sa birthday celebration ng dating unang ginang.