Pumalo lamang sa mahigit 1,000 ang naitalang bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Sa pinakahuling datos mula sa DOH, nasa 1,383 lamang ang naitalang mga bagong kaso dahilan para umabot na sa kabuuang 238,727.
Ito ay batay sa isinumiteng datos ng 88 mula sa 115 operational laboratories sa bansa kung saan 17 laboratories ang bigong makapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Data Repository System (CDRS).
Ayon sa DOH, mula sa 1,383 reported cases ngayong araw, na pinamamababa mula noong buwan ng Hulyo.
Ito rin ang ikatlong sunod na araw na hindi umabot sa 3,000 mga bagong kaso ang iniulat.
Sa nagdaang dalawang linggo, ang NCR pa rin ang nakapagtala ng mataas na bagong kaso, na sinusundan ng Region 4A at Region 6.
Ang COVID-19 related deaths naman ay umabot na sa 3,890 dahil sa karagdagang 15 pasyente na pumanaw.
Tinanggal naman sa total case counts ang 21 duplicates kung saan walong recovered cases ang inalis.
Tatlong kaso naman ang iniulat na nakarekober ngunit napag-alamang pumanaw sa isinagawang final validation.