Lumobo pa sa 106,330 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Sa pinakahuling datos mula sa Department of Health (DOH), umabot sa 3,226 ang nadagdag na mga COVID-19 cases galing sa isinumiteng datos ng 66 mula sa 94 na mga laboratoryo.
Sa nasabing bilang, 38,405 ang itinuturing na mga aktibong kaso.
Ang Metro Manila pa rin ang nagtala ng pinakamaraming bagong kaso, na pumalo sa 1,541.
Sumunod ang lalawigan ng Cebu na may 503; at ng Laguna na may 181.
Samantala, nasa 46 ang napaulat na nasawi kaya naman umakyat na sa 2,104 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 275 naman ang gumaling pa sa bansa.
Bunsod nito, lumobo pa sa 65,821 ang total recoveries ng COVID-19 sa bansa.
Sampung duplicates din ang tinanggal sa kabuuang bilang ng mga recoveries.