MANILA – Iniimbestigahan na ng Department of Health (DOH) ang mga bagong insidente ng umano’y pagkakamali sa pagtuturok ng COVID-19 vaccines.
READ: DOH issues statement amid circulating videos of improper administration of COVID-19 vaccine doses; says they are already investigating these incidents. | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/fEV8Qe0kmd
— Christian Yosores (@chrisyosores) June 30, 2021
Nitong Martes nang lumutang sa social media ang ilan pang video ukol sa mga indibidwal na hindi raw maayos na nakatanggap ng bakuna.
“The DOH explained that it is aware of more circulating videos of prospective vaccine recipients who failed to receive a proper dose of COVID-19,” nakasaad sa isang press release.
“The Department, through the Centers for Health and Development (CHDs), is investigating the incidents in coordination with local government units (LGUs) concerned.”
Pinaghahanap na rin daw ng ahensya ang vaccine recipients na nasa mga video.
Kung maaalala, unang lumutang ang kaso ng maling pagtuturok ng bakuna sa Makati City.
Bagamat inamin ng LGU na “human error” ang insidente, sinabi ng Health department na hindi tama ang nangyari.
“Ang hiling po namin ay tayo po ay maging mas maunawain sa ating mga healthcare workers, let’s not crucify them. Tayo pong lahat ay magtulungan upang mas maisaayos pa ang ating vaccination protocols,” ani DOH spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire.
Sinimulan na raw ng National COVID-19 Vaccine Operation Cluster na isailalim sa re-orientation ang mga vaccination teams sa bansa.
Pinaalalahanan din ng kagawaran ang mga bakunador na tiyaking nasusunod ang proseso sa pagtuturok ng bakuna.
Payo ng DOH sa mga lokal na pamahalaan, limitahan lang sa walong oras ang trabaho ng kada vaccinator para maiwasan ang labis na pagkapagod at pakakamali sa pagbabakuna.
“In the end, the DOH urged the public to be proactive in making sure to get the jab. While the vaccination is a whole of government approach, everyone should work together to ensure that the country achieves its end goal to protect all Filipinos,” ayon sa ahensya.