Positibong iniulat ng Department of Health ang pagbaba ng mga kaso ng influenza-like illness (ILI).
Ayon sa ahensya ,mula Enero 1 hanggang 14, nakapagtala ang ahensya ng 4,279 na kaso ng influenza-like illness sa buong bansa.
Ang bilang na ito ay mas mababa ng 15 % kumpara sa 6,266 na kaso nito na naitala mula Disyembre 17 hanggang 31.
Bumaba rin ang bilang ng mga pasyente ng influenza-like illness , kumpara sa 7,356 na kaso na naitala mula Disyembre 3 hanggang 16.
Ang influenza-like illness ay tinukoy ng World Health Organization bilang isang acute respiratory infection na nagpapakita ng ubo, pananakit ng lalamunan, at sinusukat na temperatura na 38 °C pataas.
Ang pinakakaraniwang natukoy na sanhi ng influenza-like illness sa Pilipinas ay influenza (A at B), SARS-CoV-2 (COVID-19), at human rhinovirus (common cold).
Sa kabila ng downtrend sa mga kaso ng influenza-like illness , hinihikayat ng DOH ang publiko na gumamit ng mga layer ng proteksyon tulad ng masking, pagtiyak ng sapat na bentilasyon, pati na rin ang pagpapabakuna.