-- Advertisements --
Vaccine Tally June6 IATF DOH
IMAGE | COVID-19 vaccine tally as of June 6, 2021/Screengrab, DOH

MANILA – Nasa higit 6-milyong indibidwal sa Pilipinas ang nabakunahan na laban sa pandemic na coronavirus disease (COVID-19).

Batay sa pinakabagong report ng Department of Health (DOH), as of June 6, tinatayang 6,314,548 doses ng bakuna na ang naiturok ng pamahalaan simula noong Marso.

Mula rito, 4,632,826 ang ibinahagi bilang first dose. Habang 1,681,722 ang itinurok bilang second dose.

Mayroon nang 886,420 healthcare workers na fully vaccinated. Samantalang 1,412,187 pa lang ang nakakatanggap ng first dose.

Sa hanay naman ng senior citizens, aabot na sa 415,540 ang mga kumpletong bakunado. Nasa 1,622,613 naman ang first dose pa lang ang natatanggap.

Pagdating sa mga may comorbidity, nasa 373,493 na ang kumpleto sa bakuna. Nasa 1,568,809 naman ang nakatanggap ng unang dose.

“Nakapag-umpisa na rin tayo sa A4. (Pero) maliit pa ang bilang na ito na 29,000 para sa ating mga manggagawa dahil ito ay ceremonial na mga A4 population na pagbabakuna,” ani Dr. Napoleon Arevalo, DOH Director IV.

Ayon sa opisyal, may inaasahang delivery na 1-million doses ng Sinovac vaccine bukas, June 10.

Bukod dito may mga inaasahan ding supply ng bakuna mula sa Gamaleya (Sputnik V), at Pfizer at AstraZeneca na manggagaling naman sa COVAX Facility.