Tiniyak ng Department of Health (DOH) ngayong Biyernes, Abril 18, na ang mga kaso ng Mpox na iniulat ng Davao City Health Office ay mula sa Clade II variant ng virus ay hindi mapanganib kaysa sa mga naunang naiulat.
Ayon sa DOH, nananatili sa parehong antas ang panganib ngunit nilinaw din ng ahensya na ang pasyenteng namatay ay hindi dahil mismo sa Mpox, kundi sa komplikasyong may kinalaman sa kanyang malubhang kundisyon.
Dagdag pa ng DOH, epektibo ang kasalukuyang mga hakbang sa pagtugon sa Mpox. Agad na na-detect at na-isolate ang mga kaso, habang binabantayan ang lahat ng naitalang close contacts.
Sa gitna ng paggunita ng Semana Santa, sinabi ng DOH na ligtas pa ring makilahok sa mga aktibidad ngayong Biyernes Santo at sa nalalapit na Easter Sunday.
Ipinaliwanag din ng DOH na karaniwang sintomas ng Mpox ang mga pantal sa balat o mucosal lesions na tumatagal ng dalawa hanggang apat na linggo, kasabay ng lagnat, pananakit ng ulo at katawan, panghihina, at pamamaga ng kulani.
Maaaring makuha ang Mpox sa malapitang kontak sa taong may impeksyon, paggamit ng kontaminadong gamit, o sa hayop na may virus. Kaya Payo ng DOH gumamit ng sabon at tubig, at magsuot ng gloves kapag naghuhugas ng gamit.
Sinabi ng DOH na ang paggamot sa Mpox ay supportive care. Kung walang ibang karamdaman, maaaring magpagaling sa bahay ang pasyente hanggang sa matanggal ang lahat ng scabs at magkaroon ng panibagong layer ang balat.