-- Advertisements --
Muling hinimok ng Department of Health ang mga matatanda na magpabakuna kontra flu at pneumonia.
Ayon sa ahensya, ito ay ibinibigay nang libre ng mga Health Center sa mga indigent na Senior Citizen.
Giit pa ng ahensya na ang mga bakunang ito ay subok na, ligtas at epektibo para sa naturang sakit.
Sinabi pa ng DOH na ang Influenza vaccine ay ibinibigay sa edad 60 taong gulang pataas, taon-taon.
At ang Pneumococcal Vaccine, naman ay ibinibigay ng 1 dose lamang sa edad 60 taong gulang.
Sa pamamagitan rin aniya ng kumpletong bakuna ay makatitiyak na magiging protekdado ang bawat isa.