Muling binalaan ng Department of Health ang publiko hinggil sa panganib na dala ng paputok ilang araw bago ang pagpasok ng taong 2025.
Nababahala rin ito sa pagtaas ng bilang ng mga paputok lalo na at majority sa mga biktima ay mga kabataan na nagresulta sa kanilang pagkakasugat.
Batay sa advisory na inilabas ng ahensya , idinitalye nito ang mga consequences na maaaring maranasan ng mga magtatangkang magpaputok.
Kabilang na dito ang pagkamatay, pagkaputol ng bahagi ng katawan ( daliri, kamay, paa), pagkabulag, pagkawala ng pagdinig, pinsala sa baga, pagkalason at pagkasunog ng balat.
Pinayuhan rin ng ahensya ang publiko na maging disiplinado at manatiling bigilante para maiwasan ang pinsala dulot ng paputok.
Sa datos ng ahensya, as of December 27, pumalo na sa 101 ang kabuuang kaso ng firecracker-related injuries ang naitala nito sa buong bansa.