-- Advertisements --

Muling nagpadala ang Department of Health ng medical team sa Myanmar.

Ito ay alinsunod sa atas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa isang statement, kinumpirma ng DOH na agad nagpadala muli si Health Sec. Ted Herbosa ng mga eksperto mula sa Health Emergency Management Bureau (HEMB), National Center for Mental Health (NCMH), at East Avenue Medical Center (EAMC) partikular sa Yangon, Myanmar para patuloy na magbigay ng emergency medical services, mental health at psychosocial support sa mga Pilipino doon.

Bahagi ang grupo ng Rapid Response Team na kinabibilangan din ng mga kinatawan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Samantala, nakabalik na rin sa bansa nitong gabi ng Linggo, ang naunang ipinadala na DOH PEMAT-Visayas na nagbigay ng emergency medical assistance sa Myanmar kung saan mahigit 1000 pasyente ang naserbisyuhan ng PEMAT sa medical tent nito mula April 2 hanggang April 12.