-- Advertisements --

Muling nakapagrehistro ngayon ang Department of Health (DOH) ng pinakamababa na bagong bilang ng COVID-19 cases ngayong taon na umaabot lamang sa 2,010.

Kung tutuusin ang naturang tally ang pinakamababa mula Dec. 30, 2021.

Dahil dito umabot na sa 3,641,940 ang kabuuang tinamaan ng virus sa Pilipinas mula noong taong 2020.

Samantala mayroon namang naitalang 6,293 na mga bagong gumaling.

Ang mga nakarekober sa bansa ay umaabot na sa 3,514,489.

Meron namang nadagdag na 52 mga bagong pumanaw.

Ang death toll sa bansa ay umaabot na sa 55,146.

Bumaba naman lalo sa 72,305 ang mga active cases na siyang pinakamababa mula noong Dec. 29, 2021.

Mayroon namang limang mga laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) sa DOH.