DAGUPAN CITY – Nababahala ang Department of Health (DOH) sa dumaraming bilang ng mga Pilipinong gumagamit ng mga e-cigarettes at vape products.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Sec. Francisco Duque III, inilahad niya na ayon sa US Center for Disease Control (CDC), mahigit na sa 20 estado sa America ang kabilang sa inilabas na 2,000 e-cig and vape related/associated lung injury o EVALI, kung saan 39 na ang namatay bagamat wala pang pinal na resulta sa pinaka-ugat ng pagkakamatay ng mga ito .
Paliwanag ng kalihim mayroong tinatawag na electronic nicotine delivery system at electronic nicotine non-delivery system kung saan mayroon umanong mga vape at e-cigarette products na mayroong nicotine content.
Sa ngayon, ay hindi pa masasabing ligtas ang mga produktong ito mula sa mga bantang pangkalusugan dahil kasalukuyan pang pinag-aaralan ang mga ingredients at epekto nito, gayundin ang pagkalap ng kasong nauugnay dito.