-- Advertisements --
Nangangamba si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na posibleng umabot sa mahigit 240,000 ang kaso ng dengue sa bansa habang papalapit na ang pagpasok ng panahon ng tag-ulan.
Sinabi ng kalihim na maagapan ang nasabing paglobo ng bilang kapag nagkaroon ng mahigpit na kampanya ang iba’t-ibang local government unit sa bansa.
Base kasi sa data mula sa Epidemiology Bureau ng DOH mula Enero 1 hanggang Mayo 11 ay mayroon ng 74,273 na kaso ng dengue na may 312 na kamatayan.
Ang nasabing bilang ay mas doble kumpara noong nakaraang taon na mayroon lamang 214 na kamatayan.