Naglabas ng abiso ang Department of Health (DOH) para sa proteksiyon ng publiko laban sa pagbagsak ng abo.
Ito ay bilang tugon sa patuloy na pag-alburoto na namonitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Bulkang Kanlaon.
Sa naturang advisory, pinapayuhan ang publiko na manatili na lang muna sa loob ng bahay o evacuation center.
Iwasan ding lumabas kapag hindi kinakailangan ay maging alerto sa road conditions.
Dapat strikto ding sundin ang mga ipinapatupad na batas trapiko at maghanda ng emergency bag o Go Bag.
Magdala din ng sapat na suplay ng pagkain, tubig, damit, first aid at gamot.
Binigyang diin din ng DOH ang kahalagahan ng paglilinis ng mga abo mula sa bubong at drains kapag tumigil na ang ashfall.
Mahigpit na ipinapayo ng ahensiya na huwag munang linisin ang ashfall kapag patuloy pa rin ang pagbagsak nito mula sa bulkan.
Para naman masiguro ang ligtas na pagkain sa gitna ng nararanasang ashfall, hinimok ng DOH ang publiko na hugasan ang mga kamay ng maigi bago magluto o kumain, takpan ang mga lagayan ng tubig, linisang mabuti ang prutas at gulay ng running water at i-check ang expiration date ng nakaimbak na pagkain.
Hinihikayat din ang publiko na magsuot ng medical o surgical mask, dusk mask o basang panyo para maprotektahan ang ilong at safety goggles naman para sa proetksiyon sa mata.
Sakali man na makaramdan ng respiratory problem dahil sa ashfall, agad na komunsulta sa doktor.