-- Advertisements --

Naglabas ng panibagong guidelines para sa ligtas na paggunita ng Semana Santa ngayong taon ang Department of Health.

Sa isang pahayag ay hinikayat ng kagawaran ang mga debotong magpepenitensya na magpaturok ng tetanus vaccine at tiyaking nilinis ng maayos ang mga materyales na kanilang gagamitin.

Bukod dito ay sinabi rin ng DOH na dapat ay i-assess muna ng mga ito ang kanilang mga sarili bago subukan ang anumang uri ng fasting.

Nagpaalala rin ang ahensya sa mga debotong bibisita sa mga simbahan o makikilahok sa tradisyunal na Visita Iglesia na magdala ng sariling tubig, payong, pamaypaym at gumamit din ng sunblock kung maaari upang maiwasan ang heatstroke at sunburn na dulot na mainit na panahon.

Habang pinayuhan naman ang mga babaeng buntis, nakatatanda, at may mga karamdaman na manatili muna sa kani-kanilang mga tahanan at tiyaking pawang mga bakunado na ng COVID-19 vaccine ang kanilang makakasalamuha.

Samantala, hinikayat din naman ng DOH ang mga indibidwal na mananatili lamang sa kanilang bahay sa buong Holy Week na kumain ng masustansyang pagkain, mag-ehersisyo, at gamitin ang long weekend na ito para magpahinga at magnilay-nilay