Nagbabala ang Department of Health sa publiko hinggil sa mga sakit na maaaring mauso sa pagsapit ng La Nina phenomenon sa ating bansa.
Sa isang pahayag tinawag ito ni Health spokesperson Asec. Albert Domingo bilang “WILD” na isang acronym na may ibig sabihin na Water and Food-borne diseases; Influenza-like illnesses; Leptospirosis; at Dengue.
Kaugnay nito ay ipinayo niya na kung hindi man sigurado sa mga iinuming tubig ay mas pakuluan na lamang ito sa loob ng dalawang minuto upang maiwasan na matamaan ng mga water and food-borne diseases.
Kabilang din sa mga ibinabala ng tagapagsalita ay ang mga influenza-like illnesses tulad ng ubo, sipon, at sore throat na dulot naman ng pabago-bagong timpla ng panahon.
Kaugnay nito ay nagpapaalala din Asec. Domingo sa publiko na iwasan na rin ang pagsulong at pagtampisaw sa mga tubig baha, at kung hindi naman maiiwasan ay agad na maligo ng malinis na tubig pag-uwi ng bahay o agad na magpakonsulta sa doktor kung may sugat ito dahil na rin sa banta ng sakit na leptospirosis na karaniwang nakukuha mula sa bacteria na nagmumula sa ihi ng mga infected na hayop na kumokontamina sa mga tubig baha.
Habang pinayuhan din ang publiko na magsuot ng mga damit na may mahahabang manggas at pantalon o pajama upang maiwasan naman ang kagat ng lamok na maaaring mauwi sa sakit na dengue.