Nagbabala ang Department of Health laban sa mga imported na gamot na umano’y ibinebenta bilang mpox vaccine.
Ayon sa DOH, umabot sa kanilang kaalaman ang umano’y pag-aalok o pagbebenta ng ilang mga indibidwal at organisasyon ng mga imported na bakuna kontra mpox.
Ayon sa ahensiya, hindi makakatiyak ang publiko na ligtas o epektibo ang mga naturang gamot dahil sa walang approval ang Food and Drugs Administration para sa pagbebenta sa mga ito.
Dahil dito ay pina-iiwas ng DOH ang publiko sa pagbili, paggamit o pagpapaturok ng mga naturang bakuna.
Ayon sa ahensiya, hintayin na lamang ng publiko na maging ‘legally available’ ang mga bakuna kontra mpox at saka magpabakuna.
Samantala, tiniyak naman ng DOH na kasalukuyan nang nagerekober ang mga Mpox Clade II patients sa bansa. Ang mga ito au patuloy na nagpapagaling habang naka-isolate sa kanilang mga tahanan.