-- Advertisements --

Nagbabala ang Department of Health (DOH) na maaaring tumaas ang mga breeding areas ng lamok na nagdadala ng dengue virus kasunod ng anim na magkakasunod na tropical cyclone na tumama sa bansa.

Sa isang advisory, pinaalalahanan ng DOH ang publiko na alisin ang stagnant water at kumunsulta nang maaga sakaling makaranas sila ng sintomas ng dengue, partikular sa mga rehiyong apektado ng tropical cyclone na Kristine, Leon, Marce, Nika, Ofel, at Pepito.

May 17,033 na kaso ang naitala mula Oktubre 20 hanggang Nobyembre 2, 2024, na mas mababa ng 17% kumpara sa 20,498 na kaso mula Oktubre 6 hanggang 19, 2024.

Dagdag pa, walang naiulat na pagtaas ng mga bagong kaso ng dengue sa mga nabanggit na rehiyon sa nakalipas na anim na linggo.

Sabi pa ng ahensya, tinitingnan din ang mga datos kaugnay ng epekto ng bagyo na maaaring hindi pa naitala. 

Gayunpaman, Sinabi ng DOH na ang pinakamahusay na paraan para maiwasan ang dengue ay ang pag-iwas sa kagat ng lamok, lalo na sa araw.