Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko kaugnay sa epekto ng heat illness Lalo na ang mga magtutungo sa mga beaches ngayong Holy Week.
Isinailalim na rin ng DOH ang lahat ng public hospitals at health facilities sa buong bansa sa “Code White” alert upang matiyak ang kahandaan ng personnel tumugon sa anumang mga potensiyal na mga health emergencies lalo na ngayong Lenten season.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa sobra kasi ang init ngayon kaya dapat mag-ingat ang ating mga kababayan.
Pinayuhan ni Herbosa ang publiko na magtungo sa mga beach at iba pang mga pampublikong lugar na gumamit ng sunscreen, manatiling hydrated, at iwasan ang mahabang exposure sa init.
Ayon sa Kalihim kapag ang isang indibidwal na nakaranas ng mataas na body temperature dapat magpalamig ito kaagad.
Ang sintomas na kapag mainit ang katawan ay matinding pagka uhaw at malamig ang pawis ng sa gayon maiwasan na mahimatay.
Binigyang diin ni Herbosa kalimitan nakakaranas ng matinding init ay ang mga matatanda at mga bata.
Pinayuhan din ni Herbosa ang mga magulang na bantayan ang mga anak kapag nag swimming para maiwasan ng pagka lunod.