Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa masamang dulot sa katawan ng oil spills.
Kasunod ito sa nangyaring paglubog ng MT Terra Nova sa Limay, Bataan.
Ayon sa DOH na maraming epekto sa katawan ang oil spill kapag direktang tumama ito.
Ilan sa mga negatibong epekto nito ay ang iritasyon sa mata, pagtaas ng blood pressure, irregular na pagtibok ng puso, pananakit ng ulo, kawalan ng gana sa pagkain at kawalan ng konsentrasyon.
Kapag nadapuan naman ay magkakaroon ng iritasyon sa katawan, pagkasunog ng balat, pamamalat ng katawan at dermatitis.
Sakaling nakadama ng nasabing mga sintomas ay dapat kumonsulta na sa mga doktoro.
Pinayuhan din ng DOH ang mga local government unit ng Bataan na maglagay ng warning signs sa lugar para maiwasan ang pagtungo ng mga tao doon.