Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mataas na panganib ng heat stroke sa gitna pagtaas ng temperatura.
Ayon kay Health ASec. at spokesperson Albert Domingo, ang karaniwang sintomas ng heat stroke ay pagkawala ng malay o sobrang pagod, pagkalito at sa malalang kaso ay heart attack.
Paliwanag ni ASec. Domingo ang dehydration ang pangunahing concern sa kaso ng heat stroke kaya’t binigyang diin nito ang kahalagahan ng regular na pag-inom ng malinis na tubig para manatiling dehydrated.
Gayundin ang kahalagahan ng “thermoregulation” para maiwasan ang heat stroke.
Tinugunan din ng Health official ang pinakamild na uri ng heat-related illness na maaaring maranasan, ang heat cramps o pamumulikat sa may hita bunsod ng dehydration at naiinitan ang katawan.
Sa gitna ng mga bantang ito sa kalusugan dahil sa mainit na panahon, pinaalalahanan ng ahensiya ang publiko na manatiling alerto at tiyaking well-dehydrated sa pamamagitan ng pag-inom ng 8 baso ng tubig kada araw para maibsan ang banta ng dehydration at heat-related illnesses.