-- Advertisements --
Naninindigan pa rin ang Department of Health (DOH) na walang mabibiling COVID-19 vaccines sa mga botika.
Ito ay kahit na inaprubahan na ng Food and Drugs Administration (FDA) ang kanilang emergency use.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na base sa nakasaad sa emergency use authorization (EUA) na ang mga bakuna na ibinebenta sa online o offline ay kuwestiyonable.
Dagdag pa nito na wala pa silang binibigyan ng authorization na mga botika na magbenta ng mga bakuna.
Maaring galing sa iligal na pamamaraan o magdudulot pa lalo ng panganib sa katawan isang tao ang nasabing mga bakuna.
Dagdag pa nito ang mga bakuna na nabigyang EUA ay garantisadong ligtas at epektibo.