Nagbabala ang DOH na maaring mapatawan ng sanction ang mga doktor na nagbabakuna ng booster shots ng COVID-19 vaccines kasunod ng kontrobersyal na pag-amin ni San Juan City Rep. Ronaldo Zamora na nakatanggap siya ng apat na doses ng vaccine.
Nauna rito, inihayag ni Zamora sa isang press conference na nabakunahan na ito ng dalawang doses ng booster shots matapos na maturukan ng dalawang doses ng Sinopharm vaccine na gawa ng China batay sa rekomendasyon ng kaniyang mga doktor dahil sa pagiging immunodeficient nito.
Paliwanang naman ni Health Sec. Ma Rosario Vergeire na hindi pa inirerekomenda pa sa nagyon ng mga local experts ang paggamit ang booster shots.
Pinaalalahanan naman ni Vergeire ang mga medical practitioners na sundin ang mga protocols ng gobyerno sa pagbabakuna.
Nagbabala rin si Vergeire na mayroong emergency use authorization galing sa FDA para sa mga bakuna na kailangang sundin at kung sakali man na may mga paglabag ay maaaring mapatawan ng sanctions.
Noong June nang aprubahan ng FDA ang emergency use ng Sinopharm COVID-19 vaccine.