-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagbabala ang Department of Health sa mga hospital sa Western Visayas na tumatanggi sa pagtanggap ng pasyente na may Dengue Hemorrhagic Fever.

Ito ang kasunod nga reklamong natanggap nga Department of Health na mayroong mga hospital na hindi tumatanggap ng pasyente na may Dengue.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Department of Health Region 6 Director Dr. Marlyn Convocar, sinabi nito na mariing pinagbabawalan ng ahensya ang diskriminasyon sa mga pasyente.

Ayon kay Convocar, mayroong protocol hinggil sa referral kung saan nagpalabas ng guidelines ang ahensya.

Ang mga pasyente na hindi na kayang gamutin ng rural health unit ay kailangang dalhin sa district hospital.

Ang mga pasyente naman na hindi na kayang gamutin sa mga district hospital ay kailangang dalhin sa mga provincial hospital o sa mga tertiary hospital.

Napag-alaman na isinailalim na sa State of Calamity ang Lungsod at Lalawigan ng Iloilo kasunod ng Dengue Outbreak.