Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga residente malapit sa Taal Volcano laban sa masamang epekto ng volcanic smog o vog.
Na-monitor ang volcanic smog sa nakalipas na dalawang araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sinabi ng DOH na ang vog ay isang uri ng air pollution na dulot ng volcanic acitivity.
Binubuo ito ng mga pinong droplet na naglalaman ng volcanic gas tulad ng sulfur dioxide, na acidic at maaaring magdulot ng pangangati sa mata, lalamunan at respiratory tract, depende sa konsentrasyon ng gas at tagal ng exposure.
Ang mga surveillance officer ay dineploy upang suriin ang mga apektadong komunidad maging ang kalagayan ng kalusugan ng mga residente.
Hinikayat ng DOH ang mga residente sa paligid ng bulkan na magsuot ng face mask para maprotektahan ang sarili laban sa volcanic smog.