Nagbabala ang Department of Health sa publiko laban sa napakaraming sakit na maaaring maranasan sa gitna ng krisis sa tubig dulot ng El NiƱo.
Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang mga komunidad ay maaaring makaranas ng mga sakit tulad ng cholera, typhoid fever at maging ang mga sakit na dala ng vector tulad ng dengue.
Aniya, nakukuha ang mga nabanggit na sakit dahil sa pag-iimbak ng tubig dulot ng kakulangan ng supply.
Dagdag pa niya, ang Schistosomiasis, isang sakit na dulot ng mga parasitic worm na matatagpuan sa mga freshwater snails, ay kabilang din sa mga sakit na maaaring lumabas dahil sa krisis sa tubig.
Kaya naman, nagpaalala ang DOH na panatilihing malinis ang tubig na ginagamit lalo na ang mga iniinom o water intake.
Sa kasalakuyan kasi, nararanasan na din ang mainit na panahon dahil nagtapos na ang malamig na panahon na dulot ng northeast monsoon.