-- Advertisements --
Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mga nagbebenta ng mpox vaccines.
Nakarating na kasi sa kanilang kaalaman na may ilang indibidwal at grupo ang nagbebenta ng mga ‘imported’ umano na bakuna laban sa mpox.
Ayon sa DOH na ang nasabing mga bakuna ay maaring iligal na nakapasok sa bansa na hindi nasusuri kung epektibo ba ito.
Ang nasabing bakuna ay mararapat na ilagay sa tamang lagayan at cold-chain handling condition.
Nanawagan sila sa publiko na hintayin na lamang ang anumang anunsiyo nila na maari ng makabili ng nasabing bakuna.