-- Advertisements --

Nagbabala ang Department of Health sa posibleng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa kalagitnaan ng buwan ng Mayo kung magpapatuloy na babalewalain ang pagsunod sa health protocols.

Maaaring malagpasan ang naitalang covid19 infections noong kasagsagan ng Omicron variant surge noong Enero.

Base sa sub-Technical Working Group on Data Analytics (sTWG DA) at FASSSTER Team, bumaba sa 12% ang compliance sa minimum public health standards (MPHS) sa Metro Manila gaya ng social distancing at maayos na pagsusuot ng face masks habang bumaba naman ng 7% sa bung bansa noong buwan ng Marso at ngayong Abril.

Batay rin sa ginagamit na models ng DOH, nakikitang maaring umabot sa 34,788 ang aktibong kaso ng Covid19 cases kapag bumaba ng 20% ang sumusunod sa minimum public health standards kung saan mahigit 564 ang severe at 267 ang critical sa kalagitnaan ng Mayo.

Maaari namang tumaas ng hanggang 300,000 ang aktibong kaso sa kalagitnaan ng buwan ng Mayo kung bababa ng nasa 30% ang compliance sa MPHS.

Samantala, maaari namang pumalo sa 25,000 hnaggang 60,000 kada araw ang bagong kaso , tripke sa bilang ng aktibong kaso na naitala sa kasagsagan ng Omicron wave kapag bumaba ng 505 ang complaince sa MPHS.

Sa kabila nito, ang magandang balita ayon kay Health spokesperson Maria Rosario Vergeire ito ay mga prjections pa lamang, Maaari pa itong mabago at mapigilan sa pamamagitan ng tamang pagsusuot ng facemask, pag-isolate kapag nakakaramdam ng flu-like symptoms at pagkumpleto ng covid19 shots at booster dose upang mapigilan ang hawaan gayundin ang mutation ng virus.