Nagbigay ng babala ang Department of Health sa publiko patungkol sa mga kumakalat na mga post online na nag a-alok umano ng mga pekeng Pre-Service Scholarship Program.
Ito ang naging paalala ng ahensya matapos na may kumalat na post na tila nag a-advertise ito at ginagamit ang logo ng DOH.
Bukod dito nakalahad din sa naturang post ang mga requirements umano kagaya na lamang ng good moral character, birth at medical certificate, brgy certification at iba pang mga kinakailangan upang makapasok sa nasabing scholarship program.
Paglilinaw ng DOH, hindi na raw ito tumatanggap ng mga bagong scholar para sa academic year 2024-2025.
Habang ang nasabing Pre-Service Scholarship Program naman ay nailipat na rin sa Commission on Higher Education (CHED) at sila na ang may tungkulin na magbigay ng tulong at suporta sa ilalim ng naturang programa.