Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko sa pagsibol ng heat illness at iba pang sakit sa peak ng El Niño phenomenon mula Pebrero hanggang Abril.
Sa naturang period, 63 probinsiya ang makakaranas ng tagtuyot base sa Department of Science and Technology (DOST).
Kaugnay ng inaasahang tagtuyot at mainit na panahon, pinaalalahanan ng DOH ang publiko na protektahan ang sarili laban sa heat-related illensses gaay ng heat stroke at pagkahapo dahil sa init.
Iwasan ang exposure sa araw at dehydration.
Pinag-iingat din ni DOH chief Ted Herbosa ang publiko laban sa qater-borne illnesses like diarrhea na posibleng maranasa sa gitan n El nino dahil madaling mapanis ang pagkain kapag mainit ang panahon.Ibinaala din ang water contamination.
samantala, pinaghahanda naman ng kalihim ang mga ospital ng generator sets para maiwasan ang pagkaantala sa operasyon sakaling magkaroon ng power outages.