-- Advertisements --

Nagpapaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko tungkol sa overpricing ng gamot na Remdesivir.

Ang Remdesivir ay isa sa mga investigational drugs na ginagamit sa bansa laban sa coronavirus disease. Kasalukuyan itong ginagamit para sa mga COVID-19 patients matapos gawaran ng compassionate special permit (CSP) ng Food and Drug Administration (FDA).

Ayon sa DOH, ang suggested retail price (SRP) ng Remdesivir para sa 100-milligram vial nito ay aabot ng P1,500 at P8,200.

Base umano sa Rule XII, Section 1 ng kanilang Joint Administrative Order No. 1 S. 1993 kasama ang Department of Trade and Industry, Department of Agriculture, Department of Environment and Natural Resources, nakasaad dito na sinumang indibidwal na mapatutunayang dawit sa anumang iligal na price manipulation ay paparusahan at haharap sa kasong kriminal.

Ang sinumang may katanungan o reklamo ay maaaring magpadala ng email sa pddrugpricemonitoring@gmail.com.

Kung maaalala, sinabi ni Health Use.c Maria Rosario Vergeire na ang Remdesivir ay hindi para sa commercial use dahil maaari lang itong gamitin ng ilang piling ospital o physicians na nag-apply ng CSP.