Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pang iminumungkahing retail price para sa experimental na antiviral pill na molnupiravir ng Merck & Co sa bansa.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang pill ay hindi pa nakakakuha ng emergency use authorization at maaari lamang gamitin ng mga ospital sa pamamagitan ng compassionate special permits.
Sinabi naman ng pharmaceutical company na JackPharma Inc. na tinatantya nito na ang presyo ng pill ay aabot sa P130 hanggang P150 kada kapsula.
Ang MedEthix, ang kumpanyang itinalaga upang mag-import ng tableta, ay nagsabi na ang molnupiravir ay ilalabas sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga ospital na may compassionate special permits sa buwan ng Nobyembre.
Dagdag pa naman ni Vergeire na hindi rin maaaring magkaroon ng tripartite agreement ang gobyerno sa pagbili ng molnupiravir sa ngayon.
Samantala, nagbanta si Vergeire na mananagot ang mga ospital at doktor na gumagamit ng molnupiravir sa kanilang paggamit sa nasabing pill.