-- Advertisements --

Nagbukas ng mahigit 2,600 trabaho sa sektor ng kalusugan sa buong bansa ang Department of Health (DOH) bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang ika-126 anibersaryo.

Ginanap ang job fair na ito sa iba’t ibang satellite offices ng DOH at mga piling lugar tulad ng Western Visayas Medical Center sa Iloilo City, mga mall Luzon, Visayas, Mindanao, at  Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila.

Nag-aalok ito ng mga trabaho para sa mga nurse, doktor, pati na rin iba’t ibang propesyon sa labas ng medical field tulad ng admin assistant, engineer, information officer, accountant, technician, at iba pa.

Layunin umano ng job fair na magbigay ng magandang oportunidad sa mga manggagawa sa sektor ng kalusugan. 

Binigyang diin din ni Health Secretary Teodoro J. Herbosa, na ang job fair na ito ay pagpapakita ng kanilang pangako sa pagpapatupad ng Universal Health Care sa buong bansa. 

Magtatagal naman ito hanggang bukas, June 20, mula 9:00 AM hanggang 4:00 PM.