-- Advertisements --

Naghain na ng kahilingan ang Department of Health (DOH) para sa emergency use authorization (EUA) ng mga bakuna laban sa COVID-19 bilang booster para sa mga kabataan na may edad na 12 hanggang 17 taong gulang.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa ngayon ay hinihintay na lamang ng kagawaran ang ilalabas amended EUA ng Food and Drug Administration (FDA) para dito.

Sa oras na mailabas na ng FDA ang EUA ay agad naman itong isu-sumite ng DOH sa Health Technology Assessment Council para naman sa pagsusuri nito ukol sa nasabing mga sektor.

Ayon pa kay Vergeire, pagkatapos ng lahat ng ito ay tsaka naman maglalabas ng guidelines ang DOH para naman sa pagpapatupad ng fourth dose at booster shot para sa mga kabataang na sakop ng naturang age group.

Samantala, sa isang statement naman ay ipinahayag din ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. ang naturang kahilingan ng DOH para magkaroon ng booster ang mga batang may edad na 12-17 anyos, fourth dose para sa mga kababayan nating senior citizens, at para sa karagdagang proteksyon na rin ng mga piling frontliners.

Dito ay nanawagan din si Galvez na sa lahat na magpabakuna ng maaga ang lahat sa oras na mapahintulutan na ang naturang bakunahan.

Kung maaalala, Nobyembre noong nakaraang taon nagsimula ang pamahalaan na bakunahan ang mga menor de edad habang noong buwan naman ng Oktubre nagsimulang buksan ang inocculation para sa mga indibidwal na kabilang sa immunocompromised sector.