-- Advertisements --

Naglabas ang Department of Health (DOH) ng panuntunan kung kailan maaring magpaturok ng booster shots ng COVID-19.

Sa checklist ng DOH, kasama rito ang indibidwal na nakaranas ng COVID-19 symptoms o ang dinapuan ng virus kung kailan sila maaring makakuha ng booster.

Base sa listahan ng DOH na kapag umabot na sa tatlong buwan matapos ang second dose ng AstraZeneca, Moderna, Pfizer, Sinovac o Sputnik o dalawang buwan matapos maturukan ng one-shot na Janssen ay maari ng magpabooster.

Kapag natapos na ang isolation period sa mga symptomatic o mild cases na binawasan na sa pitong araw basta sila ay fully vaccinated.

Walang anumang trangkaso ng 24 oras o hindi umiinom ng mga gamot para sa trangkaso at ang pag-improve ng respiratory symptoms.

Kapag pumasa aniya sa kanilang inilabas na checklist ay hinikayat ng DOH ang karamihan na magpaturok na ng kanilang booster shots.