Bilang bahagi ng hakbangin sa tumataas na suicide incident sa bansa, naglabas ang Department of Health (DOH) ng guidelines para sa ethical at responsableng pag-uulat sa mga insidente ng suicide.
Ang mga guidelines na ito ang isa sa mga interventions para maiwasan ang insidente ng suicide habang nagpapatuloy ang pag-develop at pag-implementa ng kagawaran ng programa nitong National Strategic Plan for Suicide Prevention and Control.
Binigyang diin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mahalagang hindi malantad sa mga artikulo o sinehan na naghihikayat o nagbibigay ng instruction sa suicide ang mga taong nasa risk na gumawa nito.
Base sa current evidence, sinabi ni Vergeire na mayroong impluwensiya ang mga suicide content sa media at risk ng pagpapakamatay.
Nakikita aniya na mabisang paraan ang media para mabigyan ng impormasyon at maimpluwensiyahan ang mga audience nito sa responsableng pagbabalita ng suicide.
Noong taong 2019, nasa 2.5 sa kada 100,000 population ang suicide rate sa Pilipinas.