-- Advertisements --

Pormal nang inilunsad ng Department of Health- Metro Manila Center for Health Development ngayong araw ang kanilang catch-up immunization campaign.

Target ng kampanyang ito na mabakuhan ang kabuuang 107,995 na mga bata sa Metro Manila laban sa mga sakit.

Kabilang sa mga babakuhan dito ay ang mga batang nageeddad 0-23 months sa NCR na hindi nakapag avail ng BCG vaccine, Hepatitis B,bivalent oral polio vaccine pentavalent vaccine.

Kasama rin dito ang pneumococcal conjugate vaccine, inactivated poliovirus vaccine, measles, mumps, at rubella vaccine.

Sa ilalim ng programa ay babakunahan rin ang mga buntis para sa tetanus-diphtheria.

Target rin na bakuhan ang mga adult na 60 years old pataas ng kaukulang immunizations para matiyak ang kanilang maayos na kalusugan.