-- Advertisements --
Ngayon pa lang ay nag-abiso na ang Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa mga sakit na madalas umatake tuwing panahon ng tag-init.
Pinaalalahanan ni Health Sec. Francisco Duque III ang mga Pilipino kaugnay sa kahalagahan ng palagiang pag-inom ng tubig bilang pinaka-mabisang panlaban kontra dehydration at heatstroke.
Nagbigay payo din ito hinggil sa pag-iwas sa pagbibilad mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.
Muli ring nagpaalala ang kalihim tungkol sa banta ng tigdas.