-- Advertisements --
people vaccination vaccinees VAX Iloilo COVID

ILOILO CITY – Nagpaliwanag ang Department of Health (DOH) Region 6 kaugnay sa umano’y pagkawala ng mga bakuna na inilaan para sa lungsod ng Iloilo.

Ito ay matapos kinwestyon ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas kung saan napunta ang 17,680 doses ng bakuna na para sana sa lungsod.

Sa report ng DOH, 84,224 doses na mga bakuna ang naibigay ng ahensya sa lungsod kung saan 62,804 doses din ng Sinovac AT 21,420 ang AstraZeneca.

Ngunit ayon sa alkalde, 66,554 doses pa lamang ang natanggap ng City Health Office kung saan 49,664 ang Sinovac at 16,880 ang AstraZeneca.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Marie Jocelyn Te, spokesperson for COVID-19 ng DOH Region VI, sinabi nito na ang lahat ng mga bakuna na dumarating para sa Iloilo City ay kaagad na dinadala sa mga ospital sa lungsod dahil majority ng frontliners ay nasa mga ospital at dahil na rin sa dami ng binabakunahan na frontliners, ang iba sa kanila ay hindi na naisali sa tala ng mga ospital.

Ayon pa kay Dr. Te, ang 17,680 doses ng bakuna na hinahanap ni Treñas ay tiyak na naiturok na sa iba pang mga frontliner sa lungsod.