Pinangunahan ni Department of Health Officer in Charge na si Mari Rosario Vergeire ang pagbubukas ng National Staff Meeting ng ahensya.
Ito ay tatlong araw na programa ahensya na dinaluhan ng mga opisyal at kawani mula sa Central at Regional Offices at iba pang kalakip na ahensya, gayundin ang mga Medical Center Chiefs at heads ng ibat-ibang institusyong pangkalusugan ng DOH.
Tinalakay sa naturang pagpupulong ang pamamahala sa health facility at financing ng mga health facility pati na rin ang probisyon ng tulong medikal sa mga mahihirap na pasyente.
Pinag-usapan rin ang mga programa sa pagbabakuna, supply chain management at dara reporting.
Ayon naman kay Vergeire, iisa lamang ang layunin ng National Staff Meeting at iyon ay ang pagbibigay ng serbisyo ng dekalidad na pangkalusugan sa bawat mamamayan.
Nangako rin ang ito na pagtitibayin ang mga programa ng ahensya upang matupad ang mga pangako ng Universal Health Care para sa lahat ng Pilipino.