-- Advertisements --
Nagtala ng 1,400 panibagong kaso ng tigdas sa loob lamang ng dalawang linggo.
Ayon sa Department of Health (DOH) na may kabuuang 1,406 na kaso ng tigdas ang naitala mula Marso 31 hanggang Abril 5.
Sinabi pa ni Health Undersecretary Rolando Domingo na wala ng mga bagong naitalang kaso sa Calabarzon, Metro Manila, Central Luzon, Central and Western Visayas.
Sa kabuuan, mayroon ng 28,362 na kaso sa buong bansa kung saan batay sa ulat sa Bombo Radyo ni Philippine Red Cross chairman at Sen. Richard Gordon nasa 389 na ang namatay mula lamang Enero 1 hanggang nitong buwan ng Abril.