Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang pag-resign na sa puwesto ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo.
Ayon sa DOH, agad nilang itinalaga si Dr. Oscar Gutierrez, ang deputy director general ng FDA na gumanap muna bilang officer-in-charge (OIC) kapalit ni Domingo.
Una nang sinabi ni Domingo na na epektibo ang kanyang resignasyon nitong araw ng Lunes, Enero 3.
Wala namang maibigay na ispesipikong rason si Domingo kung anong dahilan ng kanyang pagbibitaw.
Ayon sa kanya, “wala namang daw dahilan.”
Para sa kanya, ginawa na raw niya ang kanyang parte sa panahon ng pandemya at masaya siya na mag-move on sa iba pang mga bagay.
Kung maalala mahalaga ang naging papel ni Usec. Domingo sa programa ng gobyerno na COVID response dahil dumadaan sa kanyang tanggapan ang mga bakuna na itinuturok sa mga kababayan.
Sila rin ang nagbibigay ng pag-apruba sa mga vaccines.
Liban nito bahagi rin siya sa mga pagpupulong sa IATF ng Malacanang.
Bago siya naitalaga sa FDA, nagsilbi rin siyang undersecretary sa DOH.