-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Isinusulong ng Department of Health (DOH) – Cordillera ang planong pagkakaroon ng sariling eye bank ang Cordillera Administrative Region.

Ayon kay Dr. Carlo Leandro Igama, Medical Offcicer IV ng Department of Opthalmology ng Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC), malaking tulong ang eye bank para sa mga nangangailangan ng cornea transplant.

Ipinaliwanag niya na para ito sa mas mabilis na pag-donate at pagkuha ng
cornea.

Kaugnay nito ay ipinaliwanag ni Igama na ang pagbibigay ng cornea ay kailangang boluntaryo at aprubado ng donar at ng pamilya nito.