-- Advertisements --

Nais ng Department of Health (DOH) na ibilang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa kanilang package ang salamin sa mata ng mga batang may edad 5 pataas.

Sa isang pahayag ay sinabi ni DOH Spox. Dr. Albert Domingo, naisumite na nila ang kanilang rekomendasyon sa En Banc ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Paliwanag ni Domingo, patuloy ang pagdami ng bilang ng mga batang nagkakaroon ng problema sa mata.

Aniya, ang lahat ng mga ito ay nangangailangan ng agarang tugon para maagapan at magamot.

Sa ngayon, mahal ang pagpapasalamin kaya’t malaking kaginhawahan aniya ito sa mga pasyente kung pagbibigyan ng Philhealth.

Maliban sa salamin ay inirekomanda rin nito ang pagsasama sa check up at operasyon sa katarata sa mga batang pasyente.

Pinatatasaan rin nito ang package rate ng Philhealth para naman sa oronary artery bypass graft surgery, pagsasara ng ventricular septal defect at iba pang operasyon at serbisyo.