Inihayag ng Department of Health na dalawa ang naitalang nasawi dahil sa paputok.
Sa pinakahuling Fireworks-Related Injuries (FWRI) Report, sinabi ng DOH na ang mga nasawi ay isang 38-anyos na lalaki na namatay matapos magsindi ng sigarilyo malapit sa storage room para ng mga paputok, at ang kanyang kasamang umiinom, isang 44-anyos na lalaki, kapwa mula sa rehiyon ng Ilocos.
Ang huli ay nagtamo rin ng mga pinsala mula sa pagsabog, at kinumpirma ng DOH na siya ay namatay kamakailan.
Ito ay nabuo matapos makapagtala ang DOH ng 15 bagong kaso ng FWRI kahapon ng umaga, kabilang ang apat na kumpirmadong stray bullet injuries (SBIs) at 11 dahil sa paputok.
Kabilang sa mga kaso ng ang isang 28-anyos na babae mula sa Calabarzon na nagtamo ng tama ng bala sa kanang braso habang nanonood ng paputok sa labas ng kanyang tahanan.
Dahil dito, umabot na sa 600 ang pinsalang nauugnay sa pagdiriwang ng Bagong Taon, na may 592 dahil sa paputok, isa dahil sa paglunok ng watusi at pitong Stray bullet injuries.
Habang may dalawang nasawi, sinabi ng DOH na 53 ang kasalukuyang nasa ospital para sa paggamot.
Karamihan sa mga kaso ay mula sa National Capital Region, sinundan ng Ilocos region, Calabarzon at Central Luzon.