-- Advertisements --
Muling nakapagtala ang Pilipinas ng bilang na 311 bagong kaso ng COVID-19, ayon sa pinakahuling datos ng Department of Health.
Ang mga bagong impeksyon ay nagtulak sa kabuuang aktibong bilang na 8,621.
Ang nationwide caseload naman ay kasalukuyang nasa 4,079,796, habang ang mga aktibong kaso ay umakyat mula sa 8,414 kamakailan.
Sa pinakahuling naitala ng departamento, ang recovery tally ng bansa ay tumaas sa 4,004,859, habang ang death tally ay umakyat sa 66,316.
Sa nakalipas na dalawang linggo, naitala ng National Capital Region (NCR) ang pinakamataas na bilang ng impeksyon na may 637.
Sinundan ito ng Davao Region na may 295, Calabarzon na may 236, Northern Mindanao na may 224, at Soccsksargen na may 176.