-- Advertisements --
Naitala na ng Department of Health ang unang apat na fireworks related injuries ngayong 2023-2024 Holiday season.
Ayon sa DOH na ang apat na kaso ay kinabibilangan ng mga batang lalaki na edad anim hanggang 13-anyos bilang unang fireworks-related injuries ngayong holiday season.
Sa Day 1 alert laban sa mga iligal fireworks ay nanawagan ang DOH na dapat maging maingat sa mga panganib na maidudulot ng mga iligal na paputok gaya ng boga, 5-star, at picolo.
Patuloy ang panawagan ng DOH sa publiko na huwag ng tangkilikin ang mga paputok at marapat na higpitan ng mga otoridad gaya ng mga kapulisan ang pagbabantay laban sa mga nagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok.