-- Advertisements --
FB IMG 1630830421797

Sa ikatlong sunod na araw, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mahigit 20,000 kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) daily case.

Ngayong Linggo nasa kabuuang 20,019 bagong COVID-19 cases ang naitala ng DOH at mayroon nang kabuuang 2,080,984 na kaso ang bansa.

Ayon sa DOH, dahil sa panibagong kaso, mayroon na ngayong 157,438 active case at 92 percent dito ay mild, 3.4 percent ang asymptomatic, 1.4 percent severe at 0.7 percent naman ang nasa critical condition.

Sa kabilang dako, ang total recovery count ay nasa 1,889,312 matapos maitala ang karagdagang 20,089 na gumaling sa naturang sakit.

Pero ang death toll ay pumalo na sa 34,234 matapos maitala ang 173 na bagong namatay ngayong ara.

Mayroon naman umanong 119 duplicates ang tinanggal na sa total case count habang 58 cases na dating napabilang na recoveries ay na-reclassify bilang deaths matapos ang final validation.

Lahat naman ng mga laboratoryo ay operational noong Setyembre 3 habang limang laboratoryo ay hindi nakapagsumite ng kanilang data sa COVID-19 Document Repository System.